Artist Feature · Abu Dhabi Art 2025
Liminal Cosmos — Martin Ong Yambao
Martin Ong Yambao and the ritual of reimagined memory — found photographs, obscured in candle wax, become meditations on memory, migration and what survives forgetting.
Memory is often treated as something fixed — preserved in photographs, archived in albums, stored as evidence of a life once lived. But what happens when those memories are abandoned, forgotten, or left undeveloped?
Madalas nating iniisip na permanente ang alaala — iniingatan sa mga litrato, nakatago sa mga album, parang patunay ng buhay na minsang ginugol. Pero paano kung napabayaan, nakalimutan, o hindi pa na-develop ang mga alaalang 'yon?
In Liminal Cosmos, artist Martin Ong Yambao explores this question through a body of work that transforms found photographs into meditations on memory, loss, migration, and cultural continuity. Originating from a collection of undeveloped disposable cameras discovered in thrift and surplus stores, the series begins with images that once belonged to strangers. These discarded objects — originally intended as vessels for remembrance — become starting points for an inquiry into absence, authorship, and the ethics of looking.
Sa Liminal Cosmos, hinaharap ni Martin Ong Yambao ang tanong na ito gamit ang mga akdang ginagawang pagninilay ang mga natagpuang litrato — tungkol sa alaala, pagkawala, paglikas, at kung paano nagpapatuloy ang kultura. Nagsimula ang lahat sa mga lumang disposable camera na hindi pa na-develop, na nakita niya sa mga thrift at surplus store — mga larawang dati'y pag-aari ng mga taong hindi niya kilala. Ang mga itinapong bagay na ito, na dapat sana'y lalagyan ng alaala, ang nagiging simula ng pagtingin sa kawalan, sa tanong kung kanino nga ba talaga ang larawan, at sa etika ng pagtitig sa buhay ng iba.

Rather than presenting the recovered photographs as they were found, Yambao subjects them to a process of deliberate transformation. Through interventions such as blurring, misregistration, erasure, and abstraction, the images become unstable and fragmented. Faces dissolve, details disappear, and narratives remain incomplete. The resulting works protect the identities of their original subjects while evoking the imperfect nature of memory itself — where recollection is often partial, distorted, and continuously rewritten.
Sa halip na ipakita ang mga litrato gaya ng pagkakahanap sa kanila, sinasadya muna ni Yambao na baguhin ang mga ito. Nilalabo, pinapatong-patong nang mali, binubura, at ginagawang abstrak — kaya nagiging marupok at putol-putol ang mga larawan. Natutunaw ang mga mukha, nawawala ang mga detalye, at hindi na kumpleto ang kwento. Sa paraang ito, naitatago ang mukha ng mga taong nasa litrato, habang ipinapakita kung gaano talaga kadaling magbago at kakulang ang alaala — madalas kulang, mali-mali, at paulit-ulit na binabago.
At the heart of Liminal Cosmos is Yambao's engagement with postmemory — examining how memories can be inherited, interpreted, and reconstructed by those who did not directly experience them. By working with images that are not his own, the artist raises questions about ownership, preservation, and the responsibility of engaging with the lives of others through visual traces.
Nasa puso ng Liminal Cosmos ang ideya ng postmemory — kung paano namamana, binibigyang-kahulugan, at muling binubuo ang alaala ng mga taong hindi naman talaga ito mismo ang nakaranas. Dahil gumagamit siya ng mga larawang hindi kanya, lumalabas ang mga tanong: kanino ba talaga ito? Paano natin iniingatan? At ano ang responsibilidad natin kapag pinapasok natin ang buhay ng iba gamit lang ang mga natitirang bakas nila?
Through these transformed images, Yambao reflects on the violence of forgetting — and the desire to preserve memories, even those that do not belong to us.
Sa mga larawang ito, pinag-iisipan ni Yambao ang karahasan ng paglimot — at ang hangaring ingatan ang mga alaala, kahit 'yung hindi naman talaga atin.
The series is also informed by pagtatawas, a traditional Filipino healing ritual performed by an albularyo, or faith healer. During the ritual, molten candle wax is poured into water, and the resulting forms are read to diagnose illnesses, misfortunes, or spiritual disturbances. Though less commonly practised today, the ritual remains part of the cultural memory of many Filipino families — including Yambao's own.
May malaking impluwensya rin sa serye ang pagtatawas, 'yung tradisyonal na ritwal ng panggagamot na ginagawa ng albularyo o faith healer. Sa pagtatawas, binubuhos ang tunaw na kandila sa tubig, tapos binabasa ang hugis na nabuo para malaman kung ano ang sakit, malas, o problema sa espiritu. Kahit hindi na ito gaanong ginagawa ngayon, buhay pa rin ito sa alaala ng maraming pamilyang Pilipino — pati na sa pamilya ni Yambao.

As a Filipino living abroad in the UAE, Yambao adapts the mechanisms of pagtatawas into his artistic process. Using wax to obscure and abstract analogue photographs recovered from found film rolls, he creates works that function as contemporary afterimages of the ritual. Here the artist assumes the role of the albularyo — interpreting obscured fragments of strangers' lives while confronting his own relationship to memory, displacement, and belonging.
Bilang Pilipinong nakatira sa UAE, inangkop ni Yambao ang pagtatawas sa sarili niyang paraan ng paggawa ng sining. Gamit ang wax para labuin at gawing abstrak ang mga lumang litratong nakuha sa mga natagpuang rolyo ng film, gumagawa siya ng mga akdang parang makabagong bersyon ng ritwal. Dito, siya na mismo ang nagiging albularyo — binabasa ang malalabong piraso ng buhay ng mga taong hindi niya kilala, habang hinaharap din ang sarili niyang relasyon sa alaala, sa pagiging malayo sa bansa, at sa paghahanap ng kinabibilangan.

Transferring this indigenous Filipino rite from its traditional context into the artist's studio opens a broader inquiry into cultural survival. The work asks how a practice adapts when removed from its place of origin — and how memory survives through acts of transformation. Wax, as an obscuring gesture, is also an ethical one: it protects the identities of its subjects while opening space for reflection on visibility, interpretation, and care.
Nang ilipat ang katutubong ritwal na ito mula sa dating pinagmulan papunta sa studio, mas lumawak ang tanong tungkol sa kung paano nananatiling buhay ang kultura. Paano nga ba umaangkop ang isang tradisyon kapag inilayo sa pinagmulan nito? At paano nakakaligtas ang alaala kapag dumadaan ito sa pagbabago? Ang wax, bukod sa pantakip, ay may dating etikal din: itinatago nito ang pagkakakilanlan ng mga tao sa litrato, pero binubuksan naman nito ang usapan tungkol sa kung ano ang ipinapakita, kung paano ito binibigyang-kahulugan, at kung paano natin ito inaalagaan.

Ultimately, Liminal Cosmos examines how rituals endure and evolve through migration — and in Yambao's hands, forgotten photographs become sites where personal history, collective memory, and cultural inheritance intersect.
Sa huli, ipinapakita ng Liminal Cosmos kung paano nananatili at nagbabago ang mga ritwal habang naglalakbay ang mga tao sa ibang lugar — at sa kamay ni Yambao, ang mga nalimutang litrato ay nagiging lugar kung saan nagtatagpo ang sariling kasaysayan, ang alaala nating lahat, at ang kulturang minana natin.


